Tulad ng pagiisang-diwa ng bansa na inihatid ng wikang Filipino, nilayon ng Tanggapan sa Lakas-Paggawa ng Servicio Filipino, Inc. na maghandog ng isang palatuntunan na magsusulong ng pagkakaisa ng lahat habang itinataguyod ang konsepto ng masayang pook-paggawa. Tangan ang layuning ito, magiliw na idinaos ng mga empleyado ng SFI ang isang payak na pagdiriwang para sa Linggo ng Wika nitong ika-25 ng Agosto 2017.
Bagama’t limitado ang espasyo, nagbuklod ang lahat sa loob ng pantry ng SFI upang makiisa sa mga nakalatag na aktibidad. Lumahok ang lahat sa iba’t ibang patimpalak tulad ng “ABAKADA”, “Taboo” at “Tuloy-tuloy Pa Rin”. Masigasig na nakipag-paligsahan ang mga kinatawan ng bawat pangkat sa loob ng SFI.
Matapos ang mga kasiyahan, inanyayahan ang lahat na pagsaluhan ang mga pagkaing Pinoy tulad ng street food na inihanda para sa meryenda.