Sa makabagong panahon ng teknolohiya, ang mga naghahanap ng trabaho ay nagiging target ng mga scammer upang pagsamantalahan ang kanilang personal na impormasyon at makakuha ng pera. Bawat taon, tinatayang mahigit sa 1.3 milyong indibidwal ang nabibiktima ng mga recruitment scam. Ang mga fraudster ay gumagamit ng job boards, social media, at websites sa pamamagitan ng pekeng alok upang malinlang ang mga aplikante. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagkilala sa mga babala at senyales.

Mga Babalang Dapat Bantayan

1. Agarang Paghingi ng Bayad

Ang mga lehitimong employers ay hindi nanghihingi habang nasa proseso ng pagkuha ng empleyado. Kapag nanghingi ang recruiter ng paunang bayad, ito’y malinaw na senyales ng scam. Laging tandaan na ang mga totoong kumpanya ang sumasagot sa mga gastusin sa pag-hire at hindi humihingi ng pinansyal na pananagutan mula sa mga aplikante.

2. Pangungulit sa tawag at text 

Maaring gamitin ng mga scammer ang madalas na pagtawag o pagpapadala ng text mula sa hindi kilalang numero upang pilitin kang magbahagi ng personal na impormasyon. Kadalasan nilang tinatanong ang mga sensitibong impormasyon gaya ng identification cards o bank account details at idineklarang urgent ito. Ang mga lehitimong kumpanya ay nanghihingi lamang ng mga dokumento kapag ikaw ay nasa pormal na proseso ng interview o onboarding.

3. Too Good to Be True Offers

Ang mga trabahong may sobrang taas na sahod nang walang kahit anong interview ay karaniwang pain para sa scam. Kadalasan, ang mga alok na ito ay walang malinaw na job description, tulad ng “data entry” o iba pang posisyon na halos walang ginagawa. Ang mga tunay na kumpanya ay laging nagbibigay ng malinaw na detalye ukol sa trabaho at sumusunod sa tamang proseso ng pagkuha.

4. Phishing Emails o Pekeng Apps 

Ang mga totoong employers ay typical na gumagamit ng kilalang apps gaya ng Zoom, Google Meet, o Microsoft Teams para sa online interview. Samantalang ang mga scammers ay gumagamit ng mga hindi kilalang apps o platforms para magsagawa ng interviews at linlangin ka na magbahagi ng personal na data. Mag doble ingat kung hihingan ka ng personal na detalye para lamang ma-access ang mga app na ito.

5. Bagong Gawa o Kahina-hinalang Account

Ang mga scammer ay kadalasang gumagawa ng pekeng accounts o social media profiles upang magpanggap bilang employer. Ang mga account na ito ay karaniwang kulang sa detalyadong impormasyon o kaya’y kakagawa lamang. Veripikahin ang kredibilidad ng recruiter sa pamamagitan ng pag research ng kanilang background o pag check ng opisyal na kumpanyang channels. 

6. Hindi Veripikadong Website o Links

Mag ingat sa mga links na may kinalaman sa trabahong mensahe na maaaring magdala sa phishing sites o malware installations. Laging suriin ang website URLs para sa lehitimo bago i-click. Kung nagdududa, mainam na dumirekta na lamang sa official website kaysa magtiwala sa unsolicited messages. 

Mga Dapat Gawin

Ngayon na alam mo na ang tactics ng mga scammer, narito ang mga mahahalagang paraan para ma-protektahan ang iyong job applications at masiguro ang iyong seguridad.

1. Mag research tungkol sa Kumpanya

Suriin ng mabuti ang background ng kumpanya at ang recruiter. Gumamit ng search engines sa paghahanap ng official website at social media pages.  I-cross-check ang impormasyon ukol sa job advertisement gamit ang reviews at iba pang mapagkakatiwalaang sources. Mag-ingat kung ang kanilang paglapit ay masyadong agresibo o kung “too good to be true” ang kanilang alok.

2. Veripikahin ang Website at Contact Details 

Tiyakin na ang web address ay nagsisimula sa  “https://” na indikasyon na ligtas at lehitimo ang site. Suriin din ang domain age ng website upang malaman kung ito’y bago lamang. Kung nagdududa, direktang kontakin ang kumpanya gamit ang impormasyon mula sa kanilang opisyal na website para makumpirma na totoo ang kanilang alok na trabaho. 

3. Mag-ingat sa Unsolicited Emails o  Messages 

Maging mapagmatyag sa mga natatanggap na email o alok na trabaho na hindi mo inaasahan, lalo na kung hindi ka nag-apply sa nasabing kumpanya. Ang mga ganitong mensahe ay kadalasang naglalaman ng kahina-hinalang impormasyon o links.

4. Protektahan ang Personal na Impormasyon 

Iwasang magbahagi ng sensitibong impormasyon gaya ng bank account details, social security numbers, o iba pang personal na data sa mga taong hindi kilala online. Tiyakin na mayroon silang sapat na rason bago ibahagi ang anumang personal na impormasyon.

5. Ulat ang Kahina-hinalang Aktibidad 

Kung ikaw ay nakakita ng pekeng job posting o nabiktima ng recruitment scam, agad itong ipagbigay alam, ipaalam agad sa job search platform, at kumpanyang ginagaya, at lokal na awtoridad. Ang pag report ay makatutulong hindi lamang sa’yo kundi pati na rin sa iba pang posibleng mabiktima.

Mag-isip bago mag-click, mag-verify bago magtiwala, at laging unahin ang kaligtasan kapag naghahanap ng mga pagkakataon sa trabaho!

Ang Servicio Filipino, Inc. ay sumusunod sa DO174 at ISO-certified, na nagbibigay ng pandaigdigang kalidad sa pamamahala ng manggagawa at mga alituntunin sa paggawa na maaari mong pagkatiwalaan. Paalala: hindi kami, sa anumang pagkakataon, humihingi ng bayad mula sa mga aplikante sa panahon ng proseso ng recruitment. Hinihikayat namin kayong maging mapagmatyag at agarang i-ulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa aming team.

Gusto mo ba ng ligtas na job application? Mag-apply na ngayon at simulan ang iyong bagong hakbang sa karera kasama ang Servicio Filipino, Inc. Bisitahin ang https://www.facebook.com/SFI.fb  o mag email ang recruitment@serviciofilipino.com para makita ang mga available na oportunidad!